July 10, 2012

Leybel- Ika-apat na bahagi


Ipagpaumanhin ninyo ang aking panandaliang pagyakap at pag-gamit sa aking sariling wika. Ito’y marahil sa aking kawalan ng mga angkop na termino, nararapat at kaukulang mga salita na syang nagiging hadlang sa aking masalimuot na paghimay at pagsusuri ng paksa sa aking harapan. Muli, humihingi ako ng inyong pang-unawa.

Pagmamahal. Isang kataga na marahil ay hindi hinihingi ngunit naibibigay ng kahit nang sinong nilalang. Ang malayang pagbabahagi nito na may ka-angkop na sakripisyo ay higit na hinahangaan. Ang tunay at wagas na uri ng pagmamahal ay hindi kaylaman makikita, mababanaag o maisasalansan ayon sa uri, bagkus ito ay tangi lang mararamdaman. Ito ay sadyang kapos kung kulang sa naaayong tugon. Makapagbibigay lamang ito ng naka-ambang dusa kung ang pagmamahal ay hindi buo at ganap sa nais nitong ipahiwatig. Kaylan lamang ay nakahagip ako ng isang nagmamahalang nilalang. Masasabi ko mula sa isa sa kanilang tagapagsalita na ito’y natural, puro at sadyang dalisay na maging mga tula at awit ay ‘di pupuno sa taglay nitong kaayusan. Hindi marahil sapat ang maiksi ko’ng pagpalaot sa mundo ng pagmanahal, ngunit ang lakbay ko’y hindi pa tapos...


Ako ma’y mahibang, mawalan ng ulirat,
Sa puso ko’y tanging ikaw ang siyang saad
Kamatayan man, saki’y tumambad,
Diwa mo naman nakaukit sa ‘king palad

Basta’t tayong dal’wa,
Puso’t layunin iisa
‘di alintana sabi ng iba
Ano? Anong label, label pa?
Ang higit na mahalaga
Mahal mo ‘ko, mahal kita!

No comments:

Post a Comment