Ang aking sariling kamalayan ang nananatiling moog
ng aking pagkatao. Ibig tukuyin nito ang ganap na pagiging ako. Ako na may
buhay at laya sa anuman ang idinidikta ng aking puso’t isipan. Ako at ang aking
kamalayan ay sapat na upang ituring ko ang bawat hakbang sa aking buhay ay puno
ng pag-asa anumang uri o gaano ito kalaki.
Ang kaakibat na mga pag-asa ay ang siyang
mananatiling daan sa aking pagkabigo o tagumpay sa buhay. Magsisilbi itong
sukatan ng aking pagiging tao at myembro ng pamayanan na patuloy na umaasa ng
maayos na pamumuhay.
Ang katuparan ng isa o higit pa sa mga pag-asang
ito ay matutugunan lamang kung kikilos ang taong mat buhay, na sa isang
konsepto, ako o tayo bilang mamayan.
Ang konktretong pagkabuo ng pag-asa ay nasa
pag-aari lamang ng isang buhay at nag-iisip na indibidwal. Sinusunod ng kanyang
kamalayan ang ideyalismong nabubuo kung kaya’t may pag-asa. Habang may buhay ay
may pag-asa.
No comments:
Post a Comment